^

Metro

Trader na Tsinoy binoga ng sekyu

-
Isang negosyanteng Tsinoy ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng isang sekyu nang magtalo sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Ang Chua Hua, ng Binondo, Tambakan St., ng nabanggit na lungsod.

Samantala, agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ang suspect na si Eddie Andaya, 32, nakatalagang guard sa Kim She Temple.

Base sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng Kim She Temple.

Napag-alaman na mag-isang naglalaro ng billiard ang suspect nang biglang dumating ang biktima na nagbitiw nang masasakit na salita sa una.

Dahil dito, nagkaroon umano nang mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa hampasin ng tako ng billiard ang suspect subalit nakailag ito.

Dahil sa galit agad na binunot ng sekyu ang kanyang baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo at naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ANG CHUA HUA

BINONDO

DAHIL

EDDIE ANDAYA

ELLEN FERNANDO

ISANG

KIM SHE TEMPLE

MAYNILA

NAMATAY

TAMBAKAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with