Holdaper todas sa shootout
May 30, 2002 | 12:00am
Isang 9-anyos na batang lalaki ang siyang naging susi para matunton ng pulisya ang hide-out ng isang grupo ng mga holdaper na nangholdap kahapon sa isang kolektor ng isang kompanya.
Nasawi sa isinagawang pagsalakay ang isa sa mga holdaper, habang nadakip pa ang isa at nakatakas naman ang isa na siyang nakatangay ng may P.7M koleksyon ng biktima.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni NPDO chief Gen. Vidal Querol, naganap ang holdap dakong alas- 12 ng tanghali habang ang biktimang si Leonard de Guzman, 26, collector ng Tony Terry Consignation ay biglang harangin ng tatlong suspect.
Pinukpok umano ng isa sa mga suspetsado ng baril sa ulo ang biktima sabay hablot sa dala nitong bag na naglalaman ng may P742,000.
Ang pangyayari ay nasaksihan ng isang 9-anyos na batang lalaki na sinundan ang mga tumakas na holdaper.
Nang matunton ang hide out ay binalikan ng bata ang biktima at sinabing alam niya ang kinalalagyan ng mga ito.
Hindi na nagdalawang isip ang biktima na mabilis na dumulog sa pulisya.
Ayon pa sa ulat, hindi pa halos nakakalapit ang mga pulis sa hide-out ng mga suspect ay nagpaulan na ang mga ito ng bala ng baril dahilan upang gumanti na rin nang pagpapaputok ang mga pulis.
Sa naganap na shootout, napatay ang isa sa mga suspect, habang nadakip pa ang kasamahan na nakilalang si Edgardo Santos, 31, gayunman nakatakas ang isa na siyang may dala ng perang hinoldap sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended