^

Metro

Kotse vs bus: 6 sugatan

-
Matapos manggaling sa masayang birthday party, trahedya naman ang sinapit ng anim na katao na pawang magkapamilya matapos sumalpok sa isang bus ang sinasakyan nilang kotse, kamakalawa sa Taguig.

Nasa malubhang kalagayan ang mga biktimang nakilalang sina Irma Gentile, 36; mga anak nitong sina Kenneth, 9; Irwin, 7; James, 6; pinsang si Karen Yulo, 21 at ang driver na si Renante Gelloano, 24.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Oscar Alicando, ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng East Service Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig,

Nabatid na minamaneho ni Gelloano ang isang KIA Ceres sakay ang magpamilya na nanggaling sa kasayahan sa Makati City.

Napag-alaman na nakainom ang driver at habang binabagtas nito ang nasabing lugar ay nawalan ng preno ang sasakyan hanggang sa sumalpok sila sa isang bus na pag-aari ng DCOMMP Transport Cooperative na minamaneho naman ng isang Jaime Kla, 50.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa pagamutan, samantalang kusang-loob namang sumuko si Kla. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

EAST SERVICE ROAD

IRMA GENTILE

JAIME KLA

KAREN YULO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

OSCAR ALICANDO

RENANTE GELLOANO

TAGUIG

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with