Binatilyo arestado sa bigong taxi hold-up
May 27, 2002 | 12:00am
Isang 16-anyos na binatilyo ang naaresto ng mga awtoridad makaraang tangkain nitong holdapin ang isang taxi driver, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Ang suspek na sadyang itinago ang pangalan dahilan sa pagiging menor-de-edad ay inireklamo ng biktimang si Ronaldo Piquero, 36, driver, may asawa, ng Blk. 5, Lot 15-D Area C, Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.
Diumano, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang Hermin taxi (TVN-267) nang parahin ito ng suspek sa Monumento Circle at nagpahatid sa Malanday, Valenzuela City.
Pagsapit sa isang madilim na bahagi ng MacArthur Highway ay bigla na lamang nagdeklara ng holdap ang suspek habang armado ng kutsilyo kung saan nanlaban ang biktima bagamat armado ang suspek.
Habang nagpapambuno ay aksidente namang namataan ito ng dalawang nagpapatrulyang pulis na sina PO3 Macario Loteryo at PO2 Alvin Salvador, ng Valenzuela Drug Enforcement Unit kung kayat hinabol ng mga ito ang naturang taxi.
Nang makita ng biktima na hinahabol ng mga pulis ay bigla nitong inihinto ang sasakyan dahilan upang maaresto ang suspek at mabati ang patalim na gamit nito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended