^

Metro

Para iwas sa nakakahawang sakit, presong magaan ang kaso laya na

-
Upang maibsan ang pagsisikip sa mga bilangguan na nagiging sanhi ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit at maituturing na isa sa pangunahing problema ng lahat na preso sa bansa, nagpalabas ng kautusan ang hukuman ng lungsod ng Parañaque na palayain ang mga walang kasalanan.

Sa naging kautusan ni Executive Judge Jansen Rodriguez ng Parañaque City Metropolitan Trial Court, Branch 78, tatlong bilanggo ang pinalaya nito na nakilalang sina Iscolastico Lubreo, Daniel Tapalia at Gabriel Aguilar, pawang mga pinagbintangang lumabag sa Presidential Decree No. 89 o illegal possession of bladed weapon.

Mariing mino-monitor ng hukuman ng Parañaque City Jail upang malaman ang mga bilanggong karapat-dapat palayain na walang kasalanan.

Ang hakbangin ni Judge Rodriguez ay upang isulong ang makataong serbisyo sa mga bilanggo at maibsan ang matinding pagsisikip sa mga bilangguan na nagiging sanhi ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit.

Sinabi ng naturang hukom na tao rin ang mga bilanggo at hindi sila dapat ituring na hayop.

Sa lahat ng korte sa buong bansa, pinangungunahan ng sala ni Rodriguez ang naturang programa.

Bukod sa masosolusyunan ang decongestion, makatitipid aniya ang gobyerno dahil malaking kabawasan ito sa budget na inilalaan sa mga bilangguan. (Lordeth Bonilla)

CITY JAIL

CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

DANIEL TAPALIA

EXECUTIVE JUDGE JANSEN RODRIGUEZ

GABRIEL AGUILAR

ISCOLASTICO LUBREO

JUDGE RODRIGUEZ

LORDETH BONILLA

PRESIDENTIAL DECREE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with