Nainis sa sermon ng ina, dalaga uminom ng Zonrox, kritikal
May 25, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang 19-anyos na dalaga makaraang magtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng Zonrox matapos pagsabihan ng kanyang ina tungkol sa madalas na pag-uwi ng madaling araw.
Kasalukuyang nasa Quezon City General Hospital ang dalagang si Romina Alfonso, estudyante, ng Barangay Nova Proper, Novaliches, Quezon City.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon nang damdamin ng dalaga ang panenermon ng kanyang ina patungkol sa madalas na paggimik nito at pag-uwi ng alanganing oras kasama ang mga barkada.
Matapos mapagsabihan ay nagkulong na sa kuwarto ang dalaga. Makalipas ang ilang sandali ay kinatok ito ng kanyang ina para maghapunan subalit hindi ito sumasagot man lang.
Dahil dito, kinabahan ang kanyang ina kung kaya puwersahang binuksan ang pinto hanggang sa makitang nangingisay ang anak at bumubula ang bibig habang hawak pa sa kamay ang isang botelya ng Zonrox.
Mabilis itong isinugod sa pagamutan at ngayon ay nasa malubhang kalagayan. (Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest