^

Metro

Kuya inutas ni utol dahil sa gas stove

-
Dahil lamang sa awayan sa gas stove, isang lalaki ang nasawi matapos saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Tatlong saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktimang si Fernando Angeles, 55, ng Varona St., Tondo Maynila.

Mabilis namang tumakas ang suspect na kapatid nito na nakilalang si Cesar, 50, matapos ang isinagawang krimen.

Naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa bahay ng biktima, gagamitin sana ng nakakabatang Angeles ang gas stove ngunit mahigpit itong pinagbawalan ng biktima kung saan ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagsusuntukan ng dalawa.

Habang nagpapambuno ang dalawa ay nagawang makadampot ng patalim ng suspect at inundayan ng saksak ang kapatid nito.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspect. (Ellen Fernando)

vuukle comment

DAHIL

ELLEN FERNANDO

FERNANDO ANGELES

HABANG

MABILIS

MATAPOS

MAYNILA

NAGANAP

TONDO MAYNILA

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with