Mag-utol na Tsinoy dinukot ng 7 armado

Dinukot ng pitong armadong kalalakihan na nagpakilala umanong mga pulis ang magkapatid na Fil-Chinese trader sa loob mismo ng kanilang tindahan sa Tutuban Mall, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang dalawang biktima na sina Michael Tan, 22 at Tony, 21.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa ground floor ng nabanggit na mall nang bigla na lamang dumating ang mga suspect na nagpakilalang miyembro ng Special Task Force (STF) ng WPD at sapilitang dinala ang magkapatid para umano sumailalim sa imbestigasyon sa kanilang tanggapan.

Subalit nang beripikahin ang insidente sa naturang operating unit ay wala doon ang magkapatid na Tsinoy.

Kaagad namang ipinag-utos ni WPD director Nicolas Pasinos ang masusing imbestigasyon ukol dito. (Ellen Fernando)

Show comments