^

Metro

Kongreso nilusob ng mga senior citizens

-
Nagrali kahapon sa tapat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mahigit sa isang daang mga lolo at lola upang igiit ang pagpasa ng Magna Carta for Older Persons.

Sa isang maikling programang isinagawa ng mga matatandang raliyista, nagsindi ng kandila, nanalangin at pagkatapos ay nag-noise barrage ang mga ito upang iparating sa mga kongresista ang kanilang kahilingan.

Ang mga matatanda, ayon sa Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) ay nagmula pa umano sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Ayon kay Beatriz Guano, 60, isang community health workers mula sa Sangandaan Elderly Organization sa Caloocan City, kahit matanda na ay kailangan pa rin nilang magrali sa lansangan upang ipaalala sa gobyerno ang matagal na nilang hinihinging social benefits.

Hindi umano sapat ang ibinibigay na 20 porsiyentong diskuwento para sa mga katulad nilang senior citizens.

Kabilang sa mga nais nilang ibigay sa kanila ng pamahalaan ay burial benefits, livelihood programs, health, housing at pension dahil hindi umano sila maaaring umasa na lamang sa kanilang mga anak. (Malou Rongalerios-Escudero)

BEATRIZ GUANO

CALOOCAN CITY

COALITION OF SERVICES OF THE ELDERLY

MABABANG KAPULUNGAN

MAGNA CARTA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

METRO MANILA

OLDER PERSONS

SANGANDAAN ELDERLY ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with