^

Metro

P.E. at CAT class bawal sa tanghali

-
Nagbabala kahapon ang Department of Education (DepEd) sa mga pinuno ng mga paaralan na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pagsasagawa ng klase ng P.E at CAT sa gitna ng init ng araw partikular na sa katanghaliang tapat dahil sa posibleng ito ang maging dahilan nang kamatayan ng mga mag-aaral na may mahihinang katawan,

Sinabi ni Dra. Thelma Santos, director ng school health and nutrition center na papatawan ng kaukulang parusa ang mga administrador kapag patuloy na nilabag ang DepEd memo 267 series of 1994 na nagbabawal sa pag-iskedyul ng PE at CAT sa pagitan ng alas- 10 ng umaga hanggang alas- 3 ng hapon.

Ipinaliwanag nito sa isang pag-aaral na malaki ang posibilidad na pagmulan ng skin cancer ang sobrang pagbibilad sa init ng araw lalo na sa mga mag-aaral na mahina ang resistensiya.

Dagdag pa dito ang biglaang pagkahimatay ng ibang mahihina ang katawan, balinguyngoy o biglang pagdurugo ng ilong at pagkamatay dulot ng heat stroke.

Partikular na tinukoy nito ang mapaminsalang ultraviolet rays ng araw na mas lalong patitindihin sa pagdating ng El Niño sa pasukan. (Danilo Garcia)

DAGDAG

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPD

DRA

EL NI

IPINALIWANAG

NAGBABALA

PARTIKULAR

THELMA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with