Kinilala ang namatay na si Zenaida Egea, 56, guro sa Caloocan Elem. School, ng Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan habang nasa kritikal na kalagayan ang anak nitong si Alberto, 27, sa Chinese General Hospital.
Ang suspect na itinago sa pangalang James, ng Palmera Spring, Camarin, ng nasabing lungsod, ay isinuko ng kanyang mga kaanak sa awtoridad matapos ang insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa may Congress Road, Bagumbong, nang maibangga ng suspect ang minamaneho nitong FX sa tricycle na minamaneho naman ng isang Rommel Bonkan na himalang hindi nasaktan, na sinasakyan ng mag-ina.
Ayon kay Bonkan, hindi na siya nakaiwas na mabilis na bumangga ang sasakyan ng suspect matapos na mawalan umano ito ng kontrol sa manibela. (Ellen Fernando)