^

Metro

Nagsasampay na preso tinamaan ng ligaw na bala

-
Isang preso ang nasugatan matapos itong tamaan ng ligaw na bala habang nagsasampay ng damit sa bintanang bakal sa loob ng comfort room ng Pasay City Jail, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Jaime Silva, warden ng Pasay City Jail ang biktima na si Rolando Flores, 21, may kasong robbery hold-up at nakapiit sa selda 2 ng naturang piitan. Ito ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang braso.

Samantala, mabilis umanong tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect na umano’y nakasuot ng kulay pulang polo shirt at pantalong maong.

Ayon sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi kamakalawa.

Nabatid na nagsasampay ng damit ang biktima sa bakal na bintana sa loob ng comfort room nang marinig ang putok ng baril. Ilang segundo pa ay naramdaman nito ang pag-init ng kanyang kanang braso at saka nakita ang umaagos ng dugo.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Pasay City General Hospital, habang pinaghahanap naman ang suspect na sinasabing palagiang nagpapaputok ng baril sa naturang lugar. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CHIEF INSP

ILANG

ISANG

JAIME SILVA

LORDETH BONILLA

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY JAIL

ROLANDO FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with