Bitay sa 2 Tsinoy, 2 Pinoy sa 90 kilo ng marijuana
May 18, 2002 | 12:00am
Dalawang Chinese national at dalawa pa nilang partner na Pinoy ang hinatulan kahapon ng dalawang parusang kamatayan ng Malabon City Regional Trial Court kaugnay sa nasamsam sa mga ito na 90 kilo ng marijuana noong nakalipas na Disyembre ng nagdaang taon.
Sa 26-pahinang desisyon na inilabas ni Judge Benjamin Aquino Jr. ang hinatulan nito ng tig-dalawang ulit na kamatayan ay sina Luk Wai, Cheung Saiwah, kapwa tubong Hong Kong; Danilo King at Danilo Regala ng Catmon, Malabon. Bukod dito, iniutos din ng korte sa mga akusado ang pagbabayad ng tig- P10 milyon fine.
Base sa rekord ng korte na noong nakalipas na Disyembre 15, 2001 nakatanggap ng tip ang Malabon City police drug enforcement unit buhat sa isang informer na nakapagsara siya ng deal sa isang Sam para mabilhan ng mga high grade dried marijuana leaves.
Dahil dito, agad na inihanda ang buy-bust operations sa may Gov. Pascual St. sa Barangay Catmon ng naturang lungsod.
Nabatid na lulan ang mga akusado sa isang puting Tamaraw FX na doon din kinuha ang plastic bag ng marijuana.
Napag-alaman pa na ng siyasatin ang naturang sasakyan doon din nakuha ang may 80 bricks ng marijuana na tinatayang aabot sa 90 kilo.(Jerry Botial)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am