^

Metro

Pusher arestado sa 1 kilo ng 'damo'

-
Naaresto ng pulisya ang isang umano’y notorious na drug pusher kasabay ng pagkakumpiska ng tinatayang isang kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng umaga sa Malabon City.

Si Lazaro Santos, alyas Boyet Mata, 31, ng Blk. 21 Lot 3 Brgy. Daang-Hari ng nasabing bayan ay kabilang sa watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ayon kay Supt. Pedro Ramos, hepe ng Malabon police, dakong alas-11:10 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation sa kahabaan ng Tabing Dagat, Brgy. Daang-Hari.

Bukod sa nasa watchlist ang suspect at umano’y notorious na drug pusher sa nasabing lugar, isang tawag umano sa telepono ang kanilang natanggap mula sa mga residente tungkol sa talamak na pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng una.

Kaagad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga kagawad ng Malabon police at nakuha mula sa pag-iingat ng suspect ang may limang gramo ng umano’y shabu at 821 kilo ng marijuana.

Kasalukuyang nakapiit ang suspect habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 6425 o Dangerous Drug Law. (Gemma Amargo)

vuukle comment

BOYET MATA

BRGY

DAANG-HARI

DRUG ABUSE COUNCIL

DRUG LAW

GEMMA AMARGO

MALABON

MALABON CITY

PEDRO RAMOS

SI LAZARO SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with