^

Metro

Positibo sa droga, kawani sinibak

-
Sinibak sa tungkulin ang isang kawani ng gobyerno at 12 pa ang sinuspinde matapos mapatunayan na ang mga ito ay positibo sa droga sa isinasagawang mandatory drug test sa bayan ng Taguig.

Iniutos ni Taguig Mayor Sigfrido Tinga ang agarang pagpapatalsik kay Robert White, casual employee ng General Service Office matapos maiulat na positibo itong gumagamit ng shabu.

Samantala, 12 pang kawani ng Taguig Municipal Office ang sinuspinde ng anim-na-buwan, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga ito habang inoobserbahan.

Subalit ang mga ito ay walang tatanggaping sahod matapos mapatunayan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nabatid na nagsasagawa ng sorpresang pagda-drug test sa mga empleyado simula pa noong Nobyembre 2001.

Pababalikin ang mga nasuspindeng kawani makalipas ang 6 na buwan subalit kailangan pa rin na sumailalim muli sa drug test.

Kapag sa ikalawang pagkakataon ay muli silang positibo sa droga, hindi na sila makababalik sa trabaho.

Isinagawa ni Municipal Administrator Wilfredo C. Villar ang drug test sa lahat ng kawani ng naturang bayan alinsunod sa probisyon ng Municipal Resolution #278 Series of 2001 na ipinasa ni Councilor Henry Duenas Jr., na miyembro ng Taguig Anti-Drug Abuse Council (TADAC). (Lordeth Bonilla)

COUNCILOR HENRY DUENAS JR.

DRUG ABUSE COUNCIL

GENERAL SERVICE OFFICE

INIUTOS

LORDETH BONILLA

MUNICIPAL ADMINISTRATOR WILFREDO C

MUNICIPAL RESOLUTION

ROBERT WHITE

TAGUIG MAYOR SIGFRIDO TINGA

TAGUIG MUNICIPAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with