Baon sa utang, Koreano nagbaril sa sentido
May 16, 2002 | 12:00am
Dahil sa pagkadesperado sa pagkabaon sa utang, winakasan ng isang Korean national ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa kanyang silid na isang mansion sa Ermita, Maynila kahapon ng tanghali.
Matigas na ang katawan at nangangamoy na ang bangkay ni Koan Hoan Kim, 36, nang matagpuan sa loob ng Room 223 ng Riviera Mansion sa may panulukan ng Mabini at Pedro Gil Sts., Ermita. Nakahubad ng pang-itaas ang Koreano habang duguang nakahandusay sa kanyang kama.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ed Paterno, ng WPD Homicide Section, dakong alas-11 ng tanghali nang madiskubre ng mga hotel attendant ang bangkay ni Kim na may tama ng bala sa kanang sentido na naglagos sa kaliwang tenga at tinatayang may anim na oras nang patay.
Ayon sa mga hotel attendants, kamakalawa pa ng gabi nang magsimulang tumawag sa telepono ang Filipina girlfriend ni Kim na nakilala lamang sa pangalang Malou hanggang kahapon ng umaga subalit nagtaka ito nang walang sumasagot kaya nagpasya ang dalaga na puntahan si Kim sa nasabing hotel.
Nabatid na hindi naa umano makayanan ng biktima ang pag-iisip kung paano niya mababayaran ang malaking utang sa ibat ibang banko sa Korea na nagbunsod ng kanyang pagpapatiwakal. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended