1 pang ATM ng East West Bank sinalakay
May 15, 2002 | 12:00am
Pinaniniwalaang "inside job" ang serye nang pagsalakay na isinagawa sa apat na automated teller machine (ATM) ng East West Bank noong Lunes ng umaga, habang muli na namang sinakalay ang isa pang machine kahapon ng umaga sa Don Antonio Heights sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Chief Superintendent Roland Albano, OIC ng National Capital Region Police Office (NCRPO) malaki ang hinala ng kanilang pamunuan na inside job ang ginawang pagsalakay sa mga machine ng naturang bangko.
Sa huling pagsalakay kahapon nabigo ang mga suspect na makuha ang pera na bagamat nawasak nila ang kaha ng machine hindi naman nabuksan pa ng mga ito ang vault na pinaglalagyan ng pera.
Nabatid pa na gumagamit ang mga suspect ng ispesyal na gamit para wasakin ang mga machine. (Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended