^

Metro

Life hatol sa killer ng cab driver

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na kaparusahan ng Manila Regional Trial Court (MRTC) sa isang miyembro ng ‘Commando Gang’ na napatunayang nangarnap ng taxi at pumatay sa driver nito may limang taon na ang nakakaraan.

Sa anim na pahinang desisyon, hinatulan ng MRTC Branch 41 Judge Rodolfo Ponferada si Jose Baltazar Eraldo ng reclusion perpetua at inutusan din itong magbayad ng kabuuang halagang umaabot sa P193,000 bilang danyos sa mga naulila ng biktimang si Bienvenido Tumada.

Sa rekord ng korte lumitaw na noong nakalipas na Oktubre 17, 1997 ay sumakay si Eraldo sa Arman Taxi na minamaneho ng biktima na kanyang kinarnap at hindi pa nakontento ay sinaksak at pinatay pa ang driver.

Tumestigo laban sa suspect ang mismong nobya nito na si Theresa Buenaflor at kapatid nitong si Bryan Buenaflor. (Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ARMAN TAXI

BIENVENIDO TUMADA

BRYAN BUENAFLOR

COMMANDO GANG

ERALDO

HABAMBUHAY

JOSE BALTAZAR ERALDO

JUDGE RODOLFO PONFERADA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

THERESA BUENAFLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with