^

Metro

Editor ng Bulgar tiklo sa entrapment

-
Inaresto ng mga ahente ng NBI ang news editor ng pahayagang Bulgar sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa isang kilalang night spot sa Quezon City.

Ang dinakip ay nakilalang si Renato Taboy, alyas Nats na ipinagharap ng reklamo ng Pangulo at General Manager ng JV International Customs Brokerage Inc., na si Edwin Santos, isang licensed customs broker.

Siya ay pinagpipiyansa ng piskalya ng halagang P100,000 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa report ng NBI-Anti Graft Division dakong alas-9 ng gabi ng isagawa ang nasabing operasyon.

Nauna rito, sinabi ng complainant na nagsimula siyang banatan ni Taboy sa kolum nito sa Bulgar noong Marso hanggang sa manghingi umano ito ng halagang P20,000 kaya napilitan naman siyang humingi ng tulong sa NBI.

Isa umanong nagngangalang Jimmy ang tumawag kay Santos upang mamagitan sa kanila ni Taboy hanggang sa itakda ang kanilang pagkikita sa Mystique KTV Club.

Sa report, ti-next umano ni Santos ang NBI agents na nasa room 4 sila ng naturang KTV Club.

Walang nakuha kay Taboy nang pasukin ng NBI bagkus positibo umano ito sa fluorescent powder.

Pinabulaanan naman ni Taboy ang lahat kasabay nang pagsasabing sinet-up lang siya.

"Walang nakuhang pera sa akin at ang sinasabi nilang fluorescent powder ay posibleng sa kamay ni Santos na nakuha ko nang makipagkamay siya sa akin", pahayag pa ni Taboy.

Niliwanag naman ng NBI na bago nila pasukin sa nasabing silid si Taboy ay nakitang pumasok ito sa comfort room. Ipinalalagay na posibleng ipinasa umano ni Taboy ang nasabing pera sa iba o di kaya ay nai-flush ito sa inidoro. (Ellen Fernando)

ANTI GRAFT DIVISION

EDWIN SANTOS

ELLEN FERNANDO

GENERAL MANAGER

INTERNATIONAL CUSTOMS BROKERAGE INC

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

RENATO TABOY

TABOY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with