Nakilala ang nasawi na si Morrie Baque, ng Santan St., Maricaban ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Baque na nakatali ng lubid ang leeg at nakasabit sa kisame ng kanyang kuwarto.
Sa paunang imbestigasyon nabatid na labis na dinamdam ni Baque ang pag-alis ng kanyang live-in-partner na nagtampo sa una.
Matapos ang ginawang pag-iwan ng babae sa nasawi ay madalas nang mapansin ang pagiging malungkutin nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)