Lalaki iniwan ng ka-live-in nagbigti
May 14, 2002 | 12:00am
Matapos hiwalayan ng kanyang live-in partner makaraang magtampo ito, isang lalaki ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Nakilala ang nasawi na si Morrie Baque, ng Santan St., Maricaban ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Baque na nakatali ng lubid ang leeg at nakasabit sa kisame ng kanyang kuwarto.
Sa paunang imbestigasyon nabatid na labis na dinamdam ni Baque ang pag-alis ng kanyang live-in-partner na nagtampo sa una.
Matapos ang ginawang pag-iwan ng babae sa nasawi ay madalas nang mapansin ang pagiging malungkutin nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended