^

Metro

Mga pulis na nambastyos ng lady reporter bibigyang leksyon ni Aglipay

-
Inatasan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, General Edgar Aglipay ang hepe ng Taguig Police upang bigyan ng leksiyon ang tatlong tauhan nito na umano’y nambastos sa isang lady reporter na kukuha sana ng balita sa naturang bayan.

Ang pag-aksiyon ni Aglipay laban kina Inspector Vergilio Pagtama; PO1 Erron Balauat, kapwa nakatalaga sa Criminal Investigation Division (CID), Taguig Police at PO1 Edwin Duka, ng Police Community Precint (PCP) 5 ay kaugnay sa umano’y ginawang pambabastos ng mga ito sa telepono sa isang lady reporter ng Pilipino Star NGAYON at iba pang miyembro ng media.

Nabatid na nakiusap at nakikisuyo lamang ang naturang reporter upang kumuha ito ng balita sa naganap na buong magdamag sa naturang bayan.

Ngunit ang madalas na sumasagot sa telepono ng CID Taguig Police ay ang isang lalaki na nagpapakilalang ‘‘striker.’’

Nakiusap ang naturang reporter na kung puwedeng makausap niya si Inspector Pagtama, ngunit ayon sa sumagot na striker ayaw umanong makipag-usap ng naturang opisyal at sinabi nito na magtungo na lamang sa kanilang himpilan.

Muling nakiusap ang naturang lady reporter na humihingi lang siya ng konteng konsiderasyon, dahil malayo ang naturang bayan at kung pupunta siya dito ay hindi na siya makakahabol ng deadline na itinakda ng kanilang publication, kaya’t kung maaari aniya sa telepono na lamang sila mag-usap.

Ngunit pinagpasa-pasahan ng telepono ang nasabing mamamahayag hanggang sa nakausap nito si PO1 Duka.

Subalit lalong napaiyak ang lady reporter nang insultuhin at bastusin ito ni Duka, tulad ng ginawa rin sa kanya ni PO1 Balauat kamakailan lamang.

Dahil sa sobrang pambabastos na sinapit ng lady reporter sa nabanggit na mga pulis, ipinagbigay alam nito kay General Aglipay ang insidente.

Kahit nasa China si Aglipay, umaksiyon ito sa natanggap niyang reklamo matapos nitong tawagan sa cellphone ang nabanggit na lady reporter na aatasan niya si Sr. Supt. Rodolfo Sison, hepe ng Taguig Police na bigyan ng leksiyon sina Pagtama, Balauat at Duka.

Nabatid pa na hindi lamang ang naturang lady reporter, maging ang ilang mamamahayag na nagko-cover sa Southern Metro Manila ay nakakaranas ng pambabastos sa ilang Police Taguig.

Kaya’t mariing hiniling ng Makati Tri-Media Association (MTMA), asosasyon ng mga reporter sa Southern Metro Manila kay General Aglipay na sibakin ang nabanggit na mga pulis sa CID. (Lordeth B. Bonilla)

AGLIPAY

BALAUAT

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDWIN DUKA

ERRON BALAUAT

GENERAL AGLIPAY

NATURANG

REPORTER

SOUTHERN METRO MANILA

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with