^

Metro

Nagtanggol sa alagang aso, kitchen helper natodas

-
Dahil sa pagtatanggol sa alagang aso, isang kitchen helper ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang pinsan na napundi sa sobrang ingay ng tahol ng aso nito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Si Reynante Ruego binata, kitchen helper ng Cabalen Restaurant, nakatira sa 54 Melchor St., Brgy. Batasan QC ay nagtamo ng mga saksak sa kanyang katawan at idineklarang patay nang idating sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Habang ang suspek na si Eduardo Castalla, pinsan ng biktima ay mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Dino ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Una dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil umano sa ingay ng pagtahol ng aso ni Ruego habang ang suspek ay nagpapahinga.

Ang mainitang pagtatalo ay humantong umano sa suntukan hanggang sa umano’y pumasok na patakbo sa loob ng bahay ang suspek at kumuha ng patalim.

Ayon sa mga nakasaksi, sa paglabas umano ng suspek walang sabi-sabing inundayan ng saksak si Ruego sa katawan.

Hindi na nagawang awatin ng ibang nakasaksi si Castalla dahil sa takot na madamay sa pagwawala nito at ng bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas sa lugar na pinangyarihan.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ang suspek ng pulisya para mapanagot ito sa nasabing krimen. (Jhay Mejias)

vuukle comment

CABALEN RESTAURANT

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDUARDO CASTALLA

JHAY MEJIAS

JOSEPH DINO

MELCHOR ST.

QUEZON CITY

RUEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with