Videoke King contest sa Bilibid Prison
May 11, 2002 | 12:00am
Upang maiwasan ang mga riot ng ibat ibang grupo sa loob ng maximum security ng New Bilibid Prison (NBP), inilunsad kahapon ang paligsahan sa mga presong mahusay kumanta para tanghaling "Video King".
Ang nasabing paligsahan ay pinangunahan ni Bureau of Correction director, Ret. Col. Ricardo Macala at ilang matataas na opisyal ng NBP.
Humigit-kumulang sa 14 na inmates ang sumali sa naturang paligsahan.
Ang video king contest ay isa lamang sa inihahandang rehabilitation program ng pamunuan ng bilangguan sa layuning mabawasan kundi man tuluyang mapigil ang mga pagra-riot sa piitan ng ibat ibang grupo.
Layunin din nito na mabawasan ang kalungkutan ng mga bilanggo na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended