Binata napagkamalang arsonist, bugbog-sarado sa mag-utol
May 11, 2002 | 12:00am
Matapos mapagkamalang arsonist, isang 19-anyos na binata ang agaw-buhay nang pagtulungan itong pagsasaksakin at hatawin ng tubo sa ibat ibang bahagi ng katawan ng tatlong magkakapatid, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Ginagamot sa Olivarez Medical Center ang biktima na nakilalang si Elpidio Soberano, ng Purok 4, Silverio Compound, Brgy. San Isidro ng lungsod na ito.
Nakilala naman ang magkakapatid na suspect na sina Arturo, 27; Rey, 23 at Roy Gonzales,17, ng nabanggit na barangay. Ang tatlo ay pawang nakapiit sa Parañaque City detention cell.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa Silverio Compound ng Brgy. San Isidro ng naturang lungsod.
Nabatid na nagkaroon ng sunog sa lugar at nakita ng magkakapatid na tumatakbo ang biktima na pinaghinalaan nilang responsable sa naganap na sunog.
Dahil dito, hinabol ng mga suspect ang biktima at saka pinagtulung-tulungang bugbugin at undayan pa ng saksak sa katawan.
Gayunman, ilang kapitbahay ang umawat sa mga suspect kasabay nang patunay na hindi ito ang arsonist kaya mabilis itong dinala sa pagamutan, habang inaresto naman ang mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended