^

Metro

Nabubulok na bangkay ng sewer natagpuan

-
Isang bangkay ng 39-anyos na babae ang natagpuang nabubulok sa loob ng bahay nito sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

May tatlong araw nang patay ang biktimang nakilalang si Marlyn Iresmas Parale, sewer at residente ng 91 Molave II, Damong Maliit, Brgy. Nagkakaisang Nayon, Novaliches nang ito ay matagpuan.

Nabatid kay SPO1 Dennis Basibas, dakong alas-6:30 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Sulpicia Sibayan.

Sinabi ni Sibayan na tatlong araw na umanong hindi pumasok ang biktima sa trabaho kaya pinuntahan niya ito para alamin kung bakit.

Pagsapit umano nila sa bahay ng biktima ay umalingasaw na ang masangsang na amoy buhat sa loob ng bahay kaya napilitan silang puwersahin ang pinto at doon nga ay tumambad sa kanila ang naagnas na bangkay ng biktima na walang saplot sa katawan.

Hinihinala ng pulisya na maaaring hinalay muna ang biktima bago pinatay.

Wala umanong kasama sa bahay ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ukol dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BIKTIMA

BRGY

CRUZ

DAMONG MALIIT

DENNIS BASIBAS

MARLYN IRESMAS PARALE

NAGKAKAISANG NAYON

QUEZON CITY

SULPICIA SIBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with