Sa Memorandum Order na nilagdaan kahapon ni BI Commissioner Andrea Domingo mahigpit nitong iniutos sa kanyang mga immigration officers na nakatalaga sa exit points na huwag pahintulutang makalabas ng bansa ang mga departing workers kung walang overseas employment certificate (OECs) na inisyu ng POEA.
Magugunita na ang kautusan ay ipinalabas ng BI chief makaraang iulat ng Department of Foreign Affairs ang pagdating ng mga Pinoy workers mula sa Syria sa kabila ng government ban ng deployment sa Middle Eastern countries.
Batay sa impormasyong nakalap, nabatid na may average 25 Filipino workers na nagpapanggap na turista ang dumarating sa Syria kada buwan na walang kaukulang employment contracts na inaprubahan ng Phil. Embassy sa Damascus. (Butch Quejada)