^

Metro

Agawan sa posisyon ang motibo sa ambus

-
Agawan sa posisyon ang lumalabas na motibo sa isinagawang pamamaslang sa dating pulis at pangulo ng jeepney drivers association na naganap kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ayon kay Senior Inspector Romeo Onte, hepe ng Station Investigation Bureau ng Caloocan City Police isinampa na nila ang kasong murder laban sa suspect na nakilalang si Sonny Rivera, alyas Boyet ng Novaliches matapos nitong tambangan at pagbabarilin ang kanyang bayaw na si Alfredo Bacalso, 37.

Idinagdag pa ni Onte na bago naganap ang pamamaril sa biktima noong Lunes ng umaga ay nagkaroon ito nang pakikipagtalo sa suspect noong nakalipas na Sabado ng gabi.

Nais umano ni Rivera na siya ang maging pangulo ng Novaliches-Deparo Bagumbong Jeepney Association na kasalukuyang pinangunguluhan ni Bacalso.

Malaki ang paniwala ng pulisya na hindi pumayag ang biktima sa kagustuhan ng suspect kung kaya pinagplanuhan nito ang pagpaslang.

Matapos ang isinagawang pamamaslang sa biktima ay mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril. (Gemma Amargo)

AGAWAN

ALFREDO BACALSO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GEMMA AMARGO

NOVALICHES-DEPARO BAGUMBONG JEEPNEY ASSOCIATION

SENIOR INSPECTOR ROMEO ONTE

SONNY RIVERA

STATION INVESTIGATION BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with