Kinilala ni Deputy Director for Special Investigation (DDSI) Fermin Nasol ang mga suspect na sina Wilfredo Santos, 58, may-asawa, ng B-18, L-15 Juana, Biñan, Laguna; Darrow Odsey, 38, ng #93 Holy Ghost Ext., Baguio City, kapwa mga labor arbiter at ang lider ng unyon na si Jaime Babon, 47, na nagpakilalang Executive Vice President ng Lakas Manggagawa sa Pilipinas (LAKAS) ng Malabon, Metro Manila.
Sa isinagawang pagsisiyasat, nabatid na nagsagawa ng rally ang mga manggagawa ng Benison Motors Corp. ng walang kaukulang notice sa Pasay City.
Dahil sa usapin at problema ng nasabing kompanya ay kumakatawan kay Grace Yao at mga manggagawa sa pamumuno naman ni Babon, nakaabot ang nasabing kaso sa DOLE at bumagsak ito sa tanggapan ni Santos.
Ayon kay Yao, kinontak umano siya ni Santos sa telepono at humihingi ng P.5 milyon upang magpalabas ng isang resolusyon na pumapabor sa una. Siniguro rin ni Babon na kanyang ipapatanggal ang strike matapos na matanggap nito ang kanyang hinihinging halaga.
Nabatid na kasalukuyang lugi umano ang kompanya kaya nakiusap na lamang si Yao na babaan ni Santos ang hinihinging halaga sa P200,000.
Pumayag naman si Santos hanggang sa magkasundo ang dalawa na isagawa ang pay-off sa isang restaurant sa Malate kung saan kasama si Babon sa tatanggap ng pera.
Dahil dito, humingi ng assistance sa NBI hanggang sa isagawa ang entrapment. (Ellen Fernando)