^

Metro

Pagkawala ng 9 kilo shabu sa NBI, dapat ikabahala-Oreta

-
Pinangangambahan ni Senator Tessie Aquino-Oreta na nakabalik na sa kalsada ang nawawalang siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon na nasa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Oreta na lubhang nakakabahala kung sakaling muling nakabalik sa market ang nawawalang malaking bilang ng shabu dahil lubhang makakaapekto ito sa anti-drug campaign ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Idinagdag pa ni Oreta na dapat lamang makialam na sa imbestigasyon sa misteryosong pagkawala ng shabu ang PNP at DOJ.

Samantala, nakatakdang ipalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa darating na Biyernes ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa kung sino ang dapat managot sa pagkawala ng siyam na kilo ng shabu.

Ayon kay Deputy Director Samuel Ong, chairman ng five-man committee na binuo ni Dir. Reynaldo Wycoco upang imbestigahan ang nasabing pagkawala, nakakuha na umano sila ng mga impormasyon na makakapagturo sa mga responsable sa pagkawala ng shabu.

Bukod sa mga mahahalagang dokumento na kanilang nakalap, sinabi ni Ong na nagbigay na rin umano ng pahayag ang mga tao na may nalalaman hinggil sa pagtatago ng mga kumpiskadong droga.(Ulat nina Rudy Andal at Ellen Fernando)

AYON

BIYERNES

DEPUTY DIRECTOR SAMUEL ONG

ELLEN FERNANDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORETA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

REYNALDO WYCOCO

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with