^

Metro

Misis inaway ni mister dahil sa ulam na dilis, nagbigti

-
Matapos awayin ng mister dahil sa palaging dilis ang inihahain nitong ulam sa hapag-kainan, isang misis ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Thelma Rosales, 49, vendor, ng 335 Lemon St., Brgy. CAA Compound ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Allan Rosarito ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang matuklasan ang labi ng ginang ng kanyang anak na si Maria, 23, sa loob ng kanilang kuwarto. Nylon strap ng bag ang ginamit ng ginang sa pagpapakamatay.

Nabatid sa salaysay ng anak ng nasawi na bago maganap ang insidente inaway umano ng kanyang ama ang kanyang ina. Nagalit umano ang mister dahil laging dilis ang inihahaing ulam ng nasawi na naging dahilan upang magtampo ito.

Matapos kumain ay pumasok na sa kuwarto ang misis at kinabukasan nga ay natuklasan ang pagpapakamatay nito.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa kaso.

Samantala, isa namang binata ang iniulat ding nagbigti matapos hiwalayan ng kanyang kasintahan, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Nakilala ang nasawi na si Jeric Ramos, 25, ng Lupang Pari, San Miguel, Pasig City.

Isang suicide note ang natagpuan, na dito nakasulat ang kanyang pamamaalam sa pamilya kasabay nang paghingi ng tawad.

Nabatid na hindi matanggap ni Ramos ang ginawang pakikipagkalas ng kanyang kasintahan matapos ang ilang taon nilang relasyon. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Danilo Garcia)

vuukle comment

ALLAN ROSARITO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

JERIC RAMOS

LAS PI

LEMON ST.

LORDETH BONILLA

LUPANG PARI

MATAPOS

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with