^

Metro

Supporters ni Ka Popoy, nag-rally sa Camp Crame

-
Sumalakay ang may 30 supporters ni Felimon "Ka Popoy" Lagman sa Camp Crame kahapon ng tanghali upang gisingin ang natutulog na imbestigasyon sa kasong pagpaslang sa nabanggit na labor leader.

Sa biglaang protesta kahapon sa EDSA gate ng Camp Crame, isinigaw ng iba’t ibang grupo ng manggagawa ang pagbalewala ng PNP sa kaso ng kanilang lider. Ang naturang protesta ay itinaon ng grupo sa ika-15 buwan nang pagkapaslang kay Ka Popoy sa loob mismo ng UP campus.

Samantala, may 20 namang miyembro ng Maradeka, isang Muslim organization ang nagsagawa ng sarili nilang lightning rally sa labas din ng Camp Crame upang iprotesta naman ang umano’y walang basehang pag-aresto sa anim na pinaghihinalaang terorista sa Pangasinan noong nakalipas na linggo.

Iginiit ni Nash Pangadapun, lider ng grupo na ang anim na inarestong Muslim ay pawang mga estudyante ng barrio-type ng Arabic Islamic Educational Center at hindi mga terorista. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARABIC ISLAMIC EDUCATIONAL CENTER

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

FELIMON

IGINIIT

KA POPOY

LAGMAN

MARADEKA

NASH PANGADAPUN

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with