^

Metro

Sundalo tinodas ng pulis

-
Isang sarhento ng Philippine Army ang nabaril at napatay ng isang bagitong miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) unit, kamakalawa sa Pasig City.

Sinampahan na kahapon ng kasong homicide sa Pasig Prosecutor’s Office ang suspect na nakilalang si PO1 Jet Sapon, miyembro ng SWAT ng Pasig Police.

Ito ang itinuturong nagpaputok at nakapatay kay M/Sgt. Felix Silvosa, nakatalaga sa Fort Bonifacio at residente ng Southside Crusader St., Palor Village, Makati City.

Sa ulat ni SPO1 Robert Garcia, ng Criminal Investigation Unit (CIU), naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa may C. Raymundo Avenue, Barangay Caniogan, Pasig.

Galing umano sa outing ang pamilya ng biktima at pauwi na ang mga ito lulan ng isang pribadong jeep nang parahin ng isang traffic enforcer na nakilala lamang sa apelyidong Guttierez dahil sa isang traffic violation.

Tumangging ibigay ng driver ng jeep na anak ni Silvosa ang kanyang lisensiya hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nagresponde naman sina Sapon at PO2 Jovito Gonzales. Ayon sa mga kamag-anak ni Silvosa, pinilit umanong agawin ng dalawang pulis ang baril ng biktima at nang maagaw ay agad na pinaputukan ito sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi naman ni Sapon na agad umano silang pinaputukan ng biktima bago pa sila makalapit kaya napilitan lamang silang gumanti ng putok sa sarhento ng Army. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY CANIOGAN

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO GARCIA

FELIX SILVOSA

FORT BONIFACIO

JET SAPON

JOVITO GONZALES

MAKATI CITY

PALOR VILLAGE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with