^

Metro

Pedicab driver dedo sa rambol

-
Namatay ang isang pedicab driver, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos na magrambol ang dalawang grupo ng kabataan, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jhun Esguerra, 18, ng Lico St., ng nasabing lugar sanhi ng tinamo nitong mga saksak sa katawan.

Sugatan naman sina Jerwin Boscas, 19; Bon Torres, 18; at Virgilio Amante, 12.

Ayon sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Lico St. ng naturang lugar.

Nabatid pa na tatlong araw bago naganap ang insidente ay pinagtulungang gulpihin ng mga suspect ang biktimang si Esguerra sa hindi malamang dahilan.

Napag-alaman na kahapon ng madaling araw ay nagkasalubong ang grupo ng biktima at mga suspect kung saan ay nagsagupaan ang mga ito.

Isa-isang nagbagsakan ang mga biktima habang nagtakasan naman ang grupo ng mga suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BON TORRES

ELLEN FERNANDO

ESGUERRA

HOMICIDE DIVISION

JERWIN BOSCAS

JHUN ESGUERRA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LICO ST.

VIRGILIO AMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with