Ahente ng NBI inireklamo nang pambubugbog
May 5, 2002 | 12:00am
Isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inireklamo nang pambubugbog ng isang 54-anyos na driver kahapon ng madaling araw sa Ermita, Manila.
Bugbog-sarado at halos nagkulay talong nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang nakilalang si Santiago Acosido, ng Block 43 Lot 47 Pangarap Village, Caloocan City at inireklamo ang suspect na si Haison Bernabe, 29, nakatalaga sa NBI intelligence Unit at residente ng Concepcion St., Ermita.
Base sa salaysay ng biktima, naganap umano ang pambubugbog sa kanya dakong alas-12:30 ng madaling araw sa harap ng Arts and Day Restaurant na nasa panulukan ng Concepcion at Ayala Sts., sa nasabing lugar.
Kasalukuyan umanong nakaparada ang kanyang sasakyan at hinihintay niya ang isang kaibigan nang lumapit sa kanya ang lasing na suspect at walang sabi-sabi siyang pinagsusuntok at pinagsisipa.
Ipinagyabang pa umano nito na ahente siya ng NBI kung kaya wala namang nagawa ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest