^

Metro

Panghoholdap sa 3 Comelec employees, inside job ?

-
Inside job ang isa sa anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya hinggil sa naganap na payroll robbery-holdup sa tatlong tauhan ng Commission on Election (COMELEC) na natangayan ng may P1.1 milyong cash na nakatakda sanang ibayad sa mga teacher na nag-duty noong nakaraang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na naganap noong Miyerkules ng madaling araw sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng Pasay City Police, tinatayang anim na armadong kalalakihan na pawang sakay ng isang kulay berdeng kotse na walang plaka ang humarang kina Edith Tan; Carmencita Fortrich at Rey de Leon, pawang mga tauhan ng Comelec habang ang mga ito ay lulan ng isang FX na pag-aari ng ahensiya dakong alas-3 ng umaga sa flyover ng Buendia Avenue sa lungsod na ito.

Tinutukan ang mga biktima bago sapilitang kinuha ng mga suspect ang bag na naglalaman ng pera na nakatakdang ipasuweldo sa mga guro na nangasiwa sa ARMM election.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat, lumalabas na may kakayanan ang mga opisyal ng Comelec na magtalaga ng pulis o Special Action Force bilang security o magsilbing bodyguard na aagapay sa pagdadala ng malaking halaga ng salapi.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung paano natuklasan ng mga suspect na may dalang malaking halaga ang mga biktima patungong Zamboanga kaya malaki ang kanilang hinala na maaaring inside job ang naganap na panghoholdap. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BUENDIA AVENUE

CARMENCITA FORTRICH

COMELEC

EDITH TAN

LORDETH BONILLA

MUSLIM MINDANAO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with