^

Metro

P10.5-M naabo sa Caloocan at Valenzuela City

-
Tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos ang magkahiwalay na sunog sa Caloocan at Valenzuela City kamakalawa.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na unang nagkasunog sa Champion Machine Shop dakong alas-5:30 ng hapon.

Lumalabas sa imbestigasyon na sumabog ang isang makina na nasa ikalawang palapag ng nasabing pagawaan na pag-aari ng isang Howard King na matatagpuan sa J. Teodoro st., kanto ng 2nd Avenue, Grace Park, Caloocan City.

Sa lakas ng pagsabog ay agad na nasunog ang mga light materials sa loob ng nasabing pagawaan na umabot sa fifth alarm.

Dakong alas-6:50 nang maapula ng mga bumbero ang sunog.

Samantala, dakong alas-7:30 ng gabi nang masunog naman ang High Label Enterprises na pag-aari ng isang Elvin Chan, na nasa Bonifacio st., East Canumay, Valenzuela City.

Napag-alaman din na ang sunog ay nagsimula sa sumabog na makina sa loob ng production section ng nasabing pabrika.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa dalawang sunog. (Ulat ni Gemma Amargo)

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CALOOCAN CITY

CHAMPION MACHINE SHOP

EAST CANUMAY

ELVIN CHAN

GEMMA AMARGO

GRACE PARK

HIGH LABEL ENTERPRISES

HOWARD KING

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with