^

Metro

13 miyembro ng 'Motorcycle Gang' nadakip

-
Nalambat ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang labintatlong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng sindikatong "Motorcycle Gang" na responsable sa mga bank robberies sa Kamaynilaan, tulad ng nabigong panghoholdap sa isang sangay ng Equitable PCIBank kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Aladin Malinao, 24; Manuel Maturan, 42; Narciso Banzuela, 34; Nicolas Gonzaga, 36; Jesus Mentes, 29; Claudio Saeno, 25; Baltazar Dicorion, 29; Armando Dehuno,29; Carlos Saas, 30; Raymundo Martin, 28; Elizalde Pidoy, 28; Jimmy Espina at Noel Ortiz, 28.

Ayon kay P/Supt. Raul Medina,hepe ng Criminal Investigation Unit ng CPD na ang matagumpay na pagkakaaresto sa miyembro ng sindikato ay ang kanilang ilang linggong surveillance makaraang sunud-sunod na panghoholdap na ginawa ng grupo sa ilang banko, establisimyento, food chains at mga malls.

Magsasagawa sana ito ng panghoholdap sa nasabing banko noong Abril 30 dakong alas-2:30 ng hapon sa sangay nito sa Roosevelt Avenue kanto ng Del Pilar st., Brgy. San Antonio kung hindi nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad.

Ang mga suspek ay isinasailalim sa interogasyon kung may kinalamam ang mga ito sa panghoholdap sa P3M na idedeposito sana sa Asia Trust Bank sa Brgy. Monica, Novaliches, QC na ikinasawi ng apat katao at lubhang pagkasugat ng isa pa. (Ulat nina Jhay Mejias/Bendell Yamo)

ALADIN MALINAO

ARMANDO DEHUNO

ASIA TRUST BANK

BALTAZAR DICORION

BENDELL YAMO

BRGY

CARLOS SAAS

CENTRAL POLICE DISTRICT

CLAUDIO SAENO

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with