^

Metro

Misis binoga ng kapitbahay, patay

-
Isang 35-anyos na ginang ang binaril at napatay ng isa niyang kapitbahay na kanyang sinita dahil sa ginawang pambabatok sa kanyang anak, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Lourdes Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang nakilalang si Marlota Intano ng Pitimini St., Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril na nakilalang si Fernando Dionisio, alyas "Boy Tsinelas", kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente di kalayuan sa bahay ng biktima.

Base sa ulat, bago maganap ang krimen naglalakad papauwi ang suspect at nadaanan nito ang anak ng biktima na si Wilmar, na napagtripang batukan ng una.

Mabilis na umuwi sa kanilang bahay si Wilmar at isinumbong sa ina ang ginawang pambabatok ni Dionisio.

Agad namang sinugod ng biktima ang suspect at kinompronta sa ginawa sa anak hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna nang pagtatalo mabilis na bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima.

Matapos ang krimen agad na tumakas ang suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BAGBAGUIN

BOY TSINELAS

CALOOCAN CITY

FERNANDO DIONISIO

GEMMA AMARGO

LOURDES HOSPITAL

MARLOTA INTANO

PITIMINI ST.

WILMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with