Jordanian arestado sa panghahalay ng dalagita
April 29, 2002 | 12:00am
Kulungan ang binagsakan ngayon ng isang Jordanian national matapos na arestuhin ng mga pulis sa panggagahasa ng isang 16-anyos na dalagita, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Abel Karim Ohmad, 43, pansamantalang naninirahan sa may No. 150 M.H. Del Pilar st., Brgy. Palatiw, ng lungsod na ito.
Inaresto si Ohmad dakong alas-5 ng hapon sa isang bahay sa may Pasig Blvd., Brgy. Caniogan base sa reklamo ng biktimang si Jenny (di tunay na pangalan).
Sa salaysay ni Jenny, isinama umano siya ni Ohmad na nakikitira sa kanilang bahay, sa may Greenhills, San Juan upang mag-shopping. Matapos na kumain, dinala umano siya ng suspek sa may Victoria Court sa may Canley Road, Brgy. Ugong, Pasig.
Ikinatwiran umano nito na may katatagpuin lamang na kaibigan sa negosyo ngunit nagtaka siya nang ipasok siya nito sa isang kuwarto. Dito umano siya walang nagawa nang umpisahan siyang puwersahang hubaran ng suspek at mailugso ang kanyang puri.
Matapos ang panggagahasa, iniwanan na umano siya ni Ohmad at mag-isang pinauwi. Agad naman nitong inilahad ang sinapit na kababuyan sa naturang dayuhan sa kanyang inang si Carmelita na nagsama sa biktima sa istasyon ng pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest