^

Metro

Ex-Mayor, pulis at sundalo hinatulan ng habambuhay na pagkakulong

-
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating alkalde ng Laurel, Batangas, ang kanyang kapatid na lalaki at dalawang security escorts sa pagpatay sa isa pang security aide ng alkalde na tumangging pumatay para sa kanya.

Ang hinatulan sa 55-pahinang desisyon ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso ay sina dating Mayor Joven de Grano at kapatid nitong si Armando gayundin ang mga security escorts ng alkalde na sina Estanislao Lacaba at Domingo Landicho.

Samantala, ang kaso laban sa dalawa pang akusado na sina Leonides, kapatid ni Domingo at Leonardo Gentil ay ipina-archive ni Judge Soriaso at ito ay muling bubuhayin sa oras na madakip na ang dalawa.

Sina Leonides at Lacaba ay dating miyembro ng Philippine National Police (PNP), samantalang si Domingo ay dati namang kasapi ng Philippine Constabulary (PC).

Samantala, si de Grano naman ang siyang acting mayor nang maganap ang pagbaril sa biktima.

Bukod sa hatol, ang mga akusado ay inutusan ding magbayad ng P50,000 sa pamilya ng biktimang si Emmanuel Mendoza.

Batay sa rekord ng korte, si Mendoza ay binaril ng walong beses sa pagitan ng 9 at 10 p.m. noong Abril 21, 1991, sa isang saklaan sa Barangay Balakilong, Laurel, Batangas. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BARANGAY BALAKILONG

BATANGAS

DOMINGO

DOMINGO LANDICHO

EMMANUEL MENDOZA

ESTANISLAO LACABA

JUDGE SORIASO

JUDGE TERESA SORIASO

LEONARDO GENTIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with