^

Metro

Traffic police nasa 'hot water' matapos mabaril ang 2 binatilyo

-
Isang pulis-trapiko ang nasa ‘hot water’ ngayon matapos aksidenteng mabaril nito ang dalawang binatilyo nang bunutin at pumutok ang kanyang service firearm habang hinuhuli ang isang pedicab driver, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang pulis-trapiko ay nakilalang si PO2 Roel Medrano, 33, nakatalaga sa WPD-Traffic Bureau, nakatira sa Pasay City, habang ang nabaril naman nito na kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay si Ericson Yuson, 13, ng Moriones St., Tondo, at isa pang binatilyo na hindi pa nakikilala.

Ayon sa pahayag ni Jon-Jon Cueco, 27, pedicab driver ng 800 Moriones St., Tondo, bandang alas-6:45 kamakalawa ng gabi nang lapitan siya ni PO2 Medrano sa kanto ng Dagupan at Moriones habang siya ay namamasada ng pedicab.

Pilit siyang hinuhuli ng pulis gayong nasa tabi naman ng kalye ang kanyang pedicab hanggang sa bigla siyang binatukan ni PO2 Medrano sa harap ng kasamahang mga pedicab driver.

Hindi pa nakuntento ang pulis, binunot nito ang kanyang service firearm sa baywang subalit aksidenteng pumutok at tinamaan sa nguso si Yuson saka tumagos ang bala sa isa pang binatilyo.

Dinala ang mga sugatan sa Mary Johnston Hospital subalit kaagad inilipat ng Jose Reyes Memorial Medical Center habang inaresto naman ni PO2 Medrano si Cueco sa kasong assault.

Nang dalhin umano si Cueco ni Medrano sa Gat Andres Bonifacio Hospital para sa medical ay biglang kinalmot ng pulis ang sariling braso upang palabasing nagkasugat ito nang tangkaing agawin ni Cueco ang kanyang baril saka aksidenteng pumutok.

Pinipilit umano ni Medrano si Cueco na papanagutin sa mga nabaril niyang mga binatilyo kung saan siya ang hinihingan ng pulis ng panggastos para sa medikasyon ng mga biktima.

Nabigong makunan naman ng pahayag si Medrano kaugnay sa pangyayari dahil wala ito sa kanilang tanggapan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CUECO

ERICSON YUSON

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JON-JON CUECO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MEDRANO

MORIONES ST.

PASAY CITY

ROEL MEDRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with