^

Metro

5-anyos ginulpi, pinasakan ng barbecue stick sa ari ng lasenggang ina

-
Matinding kalbaryo ang sinapit ng isang 5-anyos na batang babae sa kamay mismo ng kanyang lasenggang ina, matapos na palagian siyang gulpihin nito at hindi pa nasiyahan ay pinapasakan pa ng barbecue stick ang ari ng bata, sa Caloocan City.

Ang biktimang itinago sa pangalang Mariz ay sinamahan ng kanyang amang si Ferdinand Sudario sa himpilan ng pulisya para ipagharap ng sumbong ang dating kinakasama na ina ng bata na si Zenaida delos Reyes.

Base sa salaysay ni Sudario, nadiskubre lamang umano ang pang-aabuso ni Zenaida sa kanilang anak kamakailan lamang.

Nabatid na naghiwalay sina Sudario at Zenaida at naiwan sa kustodya ng ina ang bata.

Marahil dahil sa matinding sama ng loob, ang anak ang siyang pinagbuntunan ng galit ng suspect.

Ayon sa ulat, sa tuwing ito ay malalasing ay palagi na lamang binubugbog ang bata. Ipinagtapat din ng bata na madalas umanong pasakan ng kanyang nanay ng barbecue stick ang kanyang ari.

Matapos matuklasan ni Sudario ang kalbaryong sinapit ng anak ay agad nitong ipinagharap ng sumbong ang dating ka-live-in.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad si delos Reyes na mabilis na tumakas matapos malamang sinampahan siya ng kaso. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

FERDINAND SUDARIO

GEMMA AMARGO

IPINAGTAPAT

MARAHIL

MARIZ

MATAPOS

REYES

SUDARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with