^

Metro

Baril na ginamit sa pagpapakamatay ng anak ni Babalu, narekober

-
Narekober na ng mga tauhan ng Makati City Police ang baril na ginamit sa umano’y pagpapakamatay ng anak ng yumaong komedyante na si Babalu na ka-live-in ng Vice-mayor ng Makati.

Ayon kay SPO4 Leonardo Timtiman, hepe ng Makati Police Homicide Division na ang .38 cal Smith and Wesson pistol ay itinurn-over na kahapon sa tanggapan ng Supt. Jovito Gutierrez, chief of police sa Makati.

Isang Ferdie Estrella, na sinasabing chief of staff ni Makati Vice-mayor Ernesto Mercado ang nagdala ng naturang baril sa hepe ng pulisya, isang araw matapos na iulat ng mga police investigator na nawawala ang nasabing baril na ginamit sa pagpapakamatay ni Raquel Ambrosio, 24.

Magugunitang inihayag din ng mga pulis na nalinis na ng housemaid ang kuwarto ng nasawi matapos ang naganap na pagbabaril nito. Hindi rin nakuha ang baril sa kuwarto nito sa 28th floor ng Peak Tower sa Salcedo Village, Makati.

Isinumite na ng Makati Police sa PNP firearms licensing division sa Camp Crame ang baril para alamin kung kanino nakarehistro ito.

Bagamat hindi binabalewala ng pulisya ang anggulo ng foul play, sa kasalukuyan ay walang matibay na ebidensiya ukol dito.

Magugunitang sa inisyal na ulat, sinasabing sumama ang loob ni Ambrosio kay Mercado matapos na hindi payagan ng huli ang una na magtungo ito sa probinsiya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon tungkol dito. (Ulat nina Marvin Sy at Lordeth Bonilla)

CAMP CRAME

ERNESTO MERCADO

ISANG FERDIE ESTRELLA

JOVITO GUTIERREZ

LEONARDO TIMTIMAN

LORDETH BONILLA

MAGUGUNITANG

MAKATI

MAKATI CITY POLICE

MAKATI POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with