3 dinakip sa pekeng P 500 bills
April 27, 2002 | 12:00am
Tatlong kababaihan na sangkot sa pagpapakalat ng mga pekeng P500 bill sa Divisoria, Tondo, Manila ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD).
Nakilala ang mga nadakip na suspects na sina Avelina Sembrano, 25; Rowena Arcega, 20 at Charina Yape, 25, pawang mga residente ng Matimtiman at Wagas Sts. sa nasabing lugar.
Kasalukuyan umanong namimili ang tatlong suspect sa pamilihang bayan ng Ilaya, sakop ng Divisoria nang mapansin ng isang tindero na si Narciso Armin na mga peke ang mga ibinabayad nitong pera kayat hindi nag-aksaya ng oras ang nasabing tindero at iniulat sa pulisya.
Hindi na nakapalag pa ang mga suspect ng arestuhin ang mga ito.
Tinatayang aabot sa 21,000 mga pekeng P500 bills ang nasamsam sa mga nadakip. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended