Nene niluray sa loob ng simbahan
April 27, 2002 | 12:00am
Hindi na iginalang ng isang obrero ang kabanalan ng Simbahan nang dito niya isagawa ang panghahalay sa isang dalagita sa Marikina City.
Kinilala ni SPO4 Nenita Abanes, hepe ng Womens Desk ang nadakip na suspect na si Eduardo Marquez, 20, binata ng Cupang, Antipolo City.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang panghahalay dakong alas-12:30 ng tanghali sa loob ng ginagawang simbahan ng San Antonio na matatagpuan sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Calumpang, ng lungsod na ito.
Base sa sumbong ng biktimang itinago sa pangalang Jenny,14, nakipagkaibigan muna sa kanya ang suspect at di naglaon ay niyaya siya nito na magtungo sa simbahan na doon nagtatrabaho ang suspect.
Pagdating sa ginagawang simbahan ay puwersahang inihiga at hinubaran ng suspect ang biktima at saka tuluyang ginahasa.
Matapos ang panghahalay ay tinakot pa ng suspect ang biktima na huwag isusumbong ang mga pangyayari, subalit nagharap pa rin ito (biktima) ng sumbong sa pulisya kaya agad na naaresto ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended