Pamunuan ng isang Chinese school ipapatawag ng CHR
April 26, 2002 | 12:00am
Ipatatawag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamunuan ng isang Chinese School makaraang magharap ng sumbong sa komisyon ang komedyanteng aktres na si Ai Ai dela Alas patungkol sa pag-isnab ng naturang paaralan na makapag-enrol ang kanyang anak dahil sa hiwalay ang mga magulang.
Sa isang panayam, sinabi ni CHR Commissioner Dominador Calamba na sakaling mapatunayang totoo ang sumbong na ito ay malinaw na paglabag ng paaralan sa karapatan ng bata partikular na ang karapatan nitong makapag-aral.
"Hindi naman kasalanan ng bata na hiwalay ang kanyang mga magulang, karapatan ng bata na makapag-aral lalot may pampaaral naman, walang masama doon", pahayag pa ni Calamba.
Binigyang diin ni Calamba na walang pakialam ang alinmang paaralan sa bansa na labagin ang karapatang pantao ng bawat indibiduwal lalo ang karapatan ng isang bata na makapag-aral.
Nabatid na hindi umano tinanggap ng hindi binanggit na pangalan ng paaralan na makapag-enrol dito ang anak ng aktres sa elementarya na ang dahilan lamang ay hiwalay ang kanyang mga magulang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended