Mestisa minarder sa loob ng taxi
April 25, 2002 | 12:00am
Misteryoso ang pagpatay sa isang hindi pa nakikilalang mestisa na sinasabing binaril ng dalawang lalaking nagpakilalang mga pulis sa loob ng isang taxi, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Ang biktima na natagpuang duguan at nakahandusay sa loob ng isang taxi ay tinatayang nasa limang talampakan ang taas, slim ang pangangatawan, blonde ang buhok at nakasuot ng kulay brown na fitted pants at orange na long sleeve na blouse. Ito ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa leeg.
Ayon sa salaysay ni Ronilo Canlas, 35, driver ng R&E Taxi kay PO2 Jovenal Barbosa ng Homicide Section ng Makati City Police, dakong ala-1:40 ng hapon nang sumakay sa kanyang taxi ang isa sa mga suspect na matabang lalaki sa harapan ng Robinsons Galleria sa Ortigas Center sa Pasig City. Inutusan siya nito na paandarin ang taxi at dadaanan nila ang dalawa pa niyang kasama.
Pagkaraan ng ilang minuto sumakay ang isa pang suspect kasama ang biktima na may bitbit pang supot ng pinamili sa isang bookstore sa nasabing shopping mall.
Sa loob ng taxi naririnig niya ang pagtatalo ng tatlo at lumalabas na hindi kakilala ng babae ang dalawang lalaking suspect na nagpakilalang mga pulis sa Camp Crame.
Base sa kanyang narinig dinakip nila ang babae dahil sa may warrant of arrest ito, sumagot naman ang biktima na wala siyang alam na kaso o walang subpoena na dumarating sa kanya.
Pagsapit umano ng kanyang taxi sa may C-5 Road ay narinig niya buhat sa likurang upuan ang dalawang putok ng baril. Inutusan siya ng mga suspect na huwag titingin sa likuran. Tinanong pa umano siya ng mga ito kung saan ang kanyang probinsiya at ilan ang kanyang anak.
Sinabi umano ni Canlas na sa Visaya ang kanyang probinsiya at pito ang kanyang anak, kasabay ng pagmamakaawang huwag siyang sasaktan.
Pagdating sa J.P. Rizal Ext. sa Makati ay pinababa na siya ng mga suspect at isa sa mga ito ang tuluyang nagmaneho ng sasakyan.
Dakong alas-2:55 ng hapon ng marekober ang taxi ni Canlas na inabandona ng mga suspect sa panulukan ng Melguas at Camia Sts. sa Brgy. Guadalupe sa Makati at nasa loob nito ang duguang bangkay ng biktima.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa planadong pagpaslang sa hindi pa nakikilalang mestisa.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest