^

Metro

Kuya tinusok ni utol dahil sa ulam

-
Isang 23-anyos na binata ang sinaksak ng kanyang nakababatang kapatid matapos umanong maubusan ng pagkain ang huli na naging dahilan nang pagwawala nito, kamakalawa sa Makati City.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Edwin Guevarra ng Block 5, Barangay West Rembo ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong isang saksak sa katawan.

Nakapiit naman ang kapatid na suspect na si Michael, 22, binata, ng nabanggit ding lugar.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa kanilang bahay ng dumating ang suspect at malamang wala na siyang kakainin.

Dahil dito, bigla itong nagwala at sinita ang kanyang kuya. Sa puntong ito nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspect at sinaksak ang kanyang kuya.

Mabilis namang isinugod ng kanilang kamag-anak sa pagamutan ang biktima, habang nadakip naman agad ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY WEST REMBO

DAHIL

EDWIN GUEVARRA

ISANG

LORDETH BONILLA

MABILIS

MAKATI

MAKATI CITY

NAKAPIIT

NILALAPATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with