^

Metro

Valenzuela cop sinibak sa pagtatakip sa mga suspek

-
Dahilan sa umano’y pagtatakip sa kasong kanyang hinahawakan, isang kagawad ng Valenzuela police ang sinibak sa tungkulin ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) matapos itong ipagharap ng kaso ng isang ginang.

Si SPO1 Arnold Alabastro na nakatalaga bilang imbestigador ng Valenzuela police ay sinibak sa kanyang tungkulin dahil sa ginawa umano nitong pagtatakip sa kaso ng dalawang suspect na sina Rizaldy Celez at Boyet Gonzales ng panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Maria Victoria Chan noong Hunyo 25, 1995.

Samantala, pinawalang-sala naman ng PLEB si SPO2 Arsenio Nacis dahilan sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban dito.

Base sa 22 pahinang desisyon ng PLEB, pinagtakpan umano ni Alabastro ang mga suspect sa naturang kaso nang muling paimbestigahan ng ina ng biktima na si Elvira Chan, residente ng 4268 Diam St., Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Nabatid na noong Hulyo 7, 1995 matapos ang krimen ng panggagahasa at pagpatay sa biktima ay kaagad na nadakip si Larry Mahinay at itinuro ng mga ito si Celez at Gonzales na kasama sa krimen.

Subalit pinagtakpan umano ito ni Alabastro, kung kaya’t hindi kaagad nadakip ang dalawa dahilan upang magsampa ng kaso sa PLEB si Chan samantalang iba’t ibang ahensiya naman ng gobyerno ang gumawa ng pag-aaresto sa dalawang suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALABASTRO

ARNOLD ALABASTRO

ARSENIO NACIS

BOYET GONZALES

DE LEON

DIAM ST.

ELVIRA CHAN

GEMMA AMARGO

LARRY MAHINAY

LAW ENFORCEMENT BOARD

MARIA VICTORIA CHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with